Kilala sa pulang buhok, pulang ilong at labi pati na rin ang dilaw na kasuotan. Sino ba naman ang hindi
makakakilala kay ronald, ang isa sa mga pinakatanyag na dilawan. De joke lang.
Ang clown na si Ronald McDonald ang isa na yata sa pinaka iconic na character ng isang fast food chain.
Bitbit ang malalaking ngiti na laging sumasalubong sa mga customer ng mcdo, eh marami ang nagtataka.. bakit ngayon eh wala na si Ronald McDonald
sa mcdo???
Sa tuwing kakain ako sa mcdonalds, madalas bago ako pumasok ng fast food chain na ito, eh hindi maaring hindi mo mapapansin ang istatwa ni Ronald McDonald. na kilalang kilala di lamang sa pilipinas, kundi sa buong mundo. naging malapit si ronald sa mga batang customer ng mcdonalds. pero bakit nga ba bigla na lamang naglaho si Ronald sa Mcdonalds? pero bago ko sagutin yan, eh konting history muna kung saan ba nagmula ang tanyag sa character na ito.
Taong 1963, ang isang radio dj na si Williard Scott na gumaganap din bilang isang clown sa isang children show sa america ay lubos na napamahal sa mga bata. Ang itsura ng clown na ginagampanan ni williard ay hindi rin gaano nalalayo sa itsura ng modernong ronald mcdonald. may pulang buhok at mapulang labi at ilong. tumagal din ng ilang taon ang palabas ni williard at nang matapos na ang children show na iyon ay nagbukas naman ang isa pang oportunidad kay williard ng sya ay lapitan ng management ng mcdonalds.
Dahil naging sikat na sikat ang clown na ginampanan ni williard ay kinausap ito ng management ng mcdo na baka kung pwede ay gumawa sila ng bagong character na hango sa ginanpaman ni williard.
Hindi nga naglaon ay nabuo ang character na si ronald mcdonald. ginawa ng mcdo si ronald bilang kanilang official mascot na gagamitin nila sa kanilang mga fast food chain. bukod pa dito ang mga commercials, laruan at merchandise items na kung saan ay bida nga si ronald. lubos na sumikat ang clown na ito at pag sinabi ngang mcdo, eh ang pigura ni ronald mcdonald agad ang papasok sa ating mga isipan.
So ang tanong, bakit nga ba biglan na lamang naglaho si ronald mcdonald sa mcdo?
Noong 2010 pa lamang, ay marami na ang nananawagan sa america na magretiro na ang si ronald mcdonald. naniniwala kasi ang mga taong iyon na si ronald ay pinopromote sa mga bata ang pagkain ng unhealthy foods, kayat napakarami sa america ng may childhood obesity o sobrang katabaan. tila ineenganyo pa daw ito ni ronald. taliwas naman ito sa sinabi ng CEO noon ng mcdo at sinabing si Ronald ay pawang happiness lamang ang pinipromote sa mga kabataan. nagbibigat lang daw ito ng saya sa mga bata na kumakain sa kaniang mga fast food chain.
Nabigo man ang organisasyong nananwagan na pagretiruhin na si Ronald McDonald, ay muli na namang itong nagpetisyon na magretiro na ng tuluyan ang naturang clown. At noon ngang 2016, napilitan na ang management na pagretiruhin na nga ang character na si ronald mcdonald. hindi dahil sa mga panawagan na ito ay magretiro na, kundi dahil sa mga sightings ng mga nakakatakot na clown sa america ang tila dumungis sa reputasyon ni Ronald McDonald.
Halos lahat kasi ng mga nakakatakot na clown na involved sa mga pranks sa america ay kahawig ni Ronald Mcdonald.
Kung dati ay tuwang tuwa ang mga bata sa itsura ni ronald, ngayon ay tila nagiging sanhi pa ito ng pagkatakot ng mga bata na kumain sa mcdonalds.
Nakakalungkot sa tinatagal tagal na nagserbisyo ni Ronald sa mcdo, ay tuluyan na itong namaalam.