The Desmond Doss Story - Tagalog Version

Si Desmond Thomas Doss ay isinilang noong February 7, 1919 sa Lynchburg, Virginia, U.S. Ang kanyang ama ay isang
karpintero at ang kanyang ina naman ay isang factory worker. Ang pamilya ni Desmond ay kilalang relihiyoso.
Sa katunayan, siya ay pinalaki ng kanyang ina bilang isang Seventh-day Adventist o kung tawagin natin sa tagalog ay
sabadista. Sila ay naniniwala na ang pagsamba ay sabado imbes na linggo. Dahil sa taimtim na pagsunod ni Desmond
sa kanilang relihiyon ay pinapractice din nya ang pagiging vegetarian.

Bago pa man mag umpisa ang world war 2, si Dessmond ay nagta trabaho bilang tagakumpuni sa isang shipyard company.
Dahil sa pagnanais na makatulong sa kanyang bansa, si Desmond ay pumasok sa military nong april 1, 1942 sa edad na bente tres.
Siya ay pinadala sa Fort Jackson sa south carolina at na assigned sa 77th Infantry Division.


Si Dessmond at tumangging humawak ng baril o ng kahit na anung armas dahil sa kanyang paniniwala at pagsunod sa isa sa mga utos
ng dyos na "Thou shalt not kill". Dahil sa paniniwalang nyang ito ay nagalit sa kanya ang kanilang commanding office
at sinabihan si Dessmond na baka sya ay maging pabigat lang.

Sinabihan din sya ng isa sa kanyang kasahan na babarilin sya nito kapag sila ay nasa combat na.

Sa kabila ng sinabi ng commanding officer at banta ng kanyang kasamahan ay tumanggi pa rin si dessmond na humawak ng armas.


Madalas ding pagtawanan ng kanyang kapwa sundalo ang araw araw na pagbabasa ni Dessmond ng bibliya
at ang pagsamba nito tuwing sabado.

Nabatid naman ng kanilang colonel na seryoso si Dessmond sa kanyang sinabi
kayat ito nga ay pinag training bilang isang combat medic.

Pagkatapos ng training ay naging ganap nang combat medic si Dessmond at lagi nitong katwiran na
kung ang kanyang mga kasamahan ay papatay, siya naman ay sasagip ng buhay.

Si Dessmond ay na assigned na sumama sa frontline upang gamutin ang sinumang masusugatang
kasamahan. Sya ay nirequire na kailangang nasa frontline kahit anu pa ang mangyari

Battle Of Guam
July 21, 1944 - August 10, 1944

At noong ngang July 21, 1944 ay napasabak na sa combat ang 77th infantry division na kinabibilangan ni dessmond.
Ang pakay ng mga sundalong amerikano noong panahong iyon ay mabawi ang GUAM na ginawang teritoryo ng mga hapon.


Habang nakipagbarilan ang kaniyang mga kasama, Si dessmond naman ay abala sa pag gamot
ng mga sugatan.

Naging madugo ang labanan sa guam at sa 56,000 na sundalong sumabak noon
isa sa bawat anim na sundalo ang sugatan o namatay.


Battle of Leyte
October 17, 1944 - December 26, 1944

dalawang buwan lang ang nakakalipas ay napasabak naman sila Dessmond sa Leyte sa Pilipinas.

Habang nasa labanan ang kapwa medic at kaibigan ni Dessmond na si Clarence Glen ay narinig ang paghingi ng tulong
ng kanilang kasamahan. Agad naman itong nagtungo doon ngunit sa hindi inaasahan ay tinamaan ito ng
bala. Nagmamadaling tumakbo si Dessmond patungo sa kanyang kaibigan at sa isa pang sundalong sugatan.

Ginamot ni Dessmond ang dalawa at mga ito ay hinila nya papunta sa lugar kung saan
nandoon din ang ibang sugatan. Ngunit ilang sandali lang ang nakakalipas ay namatay
din ang kanyang kaibigan na si Clarence.

Dahil sa pagod sa mayat mayang pag gamot sa mga sugatan ay madalas kumalam ang sikmura ni Dessmond. Dahil sa pagiging vegetarian ay tanging
biscuit at nalaglag na niyog lamang ang kinakain ni Dessmond. May mga oras pa nga na sya ay umaakyat ng puno ng niyog
upang may makain. kahit mapanganib ay himala namang walang nangyaring masama sa kanya.

Isa sa hindi inaasahan ni Dessmond ay ang paghingi sa kanya ng tulong ng isang sundalo.

Sa maniwala kayo at sa hindi, ang sundalong ito ay walang iba kundi ang taong nagbanta sa kanya noon na sya ay bab*rilin
sa combat. Ang nagsusumamong sundalo ay sinabihan si Dessmond na sya ay ipagdasal sa Dyos upang makaligtas.


Battle of Okinawa
April 1, 1945 - June 22, 1945

Eksaktong tatlong taon mula ng pumasok sa military si Dessmond ay naasigned naman sa first batallion upang
umalalay sa mga sugatan. Ang battle of okinawa sa isla ng japan ay tumagal ng mahigit ng walumput dalawang araw.
Ang pakay ng mga amerikano ay tuluyang sugpuin ang pananakop ng mga hapon at
magawang military base ang isla ng okinawa.

At noong April 29, 1945 ang mga kasamahan ni Dessmond ay umakyat ng talampas upang doon ay umatake.

Ang talampas na iyon ay kilala nga sa tawag na "Hacksaw Ridge". Hindi inaasahan ng mga kasamahan ni Dessmond na
pag akyat pa lamang sa taas ay nakaabang na sa kabilang sulok at mga hapon at mga ito nga ay walang tigil na namaril.
Napakaraming amerikanong sundalo ang tinamaan sa pag atakeng iyon. Si Dessmond ay hindi natakot na tumakbo
at sagipin ang mga sugatan. Di bababa sa pitumput limang sundalo ang hinila ni Dessmond papunta sa isang lugar upang
ang mga ito ay gamutin. Isa isa nya itong ibinaba ng talampas. Sobra ang naging paghihirap ni Dessmond ngunit
ang tangi nya lang pinanghahawakan ay ang pananalig sa dyos. Habang ibinababa nito ang mga sugatan ay di
alintana ni Dessmond na sya ay maaring matamaan ng bala ng baril. Panay ang dasal nito habang ibinababa ang mga sugatan.

Himala namang siya ay hindi tinataan.

Noong may 7 ay bumalik ang mga amerikano sa talampas upang makipaglaban muli. Nagpatuloy ang digmaan sa pagitan
ng hapon at amerikano. Patuloy na ginamot ni Dessmond ang mga sugatan. Maswerte si Dessmond na sya ay hindi man lang
nasugatan. Ngunit noong gabi ng may 21, 1945 habang ginagamot ang isa sa mga sugatan ay nasabugan si Dessmond ng granada.

Nainjured ang dalawang paa ni Dessmond. Ginamot niya ang kanyang sarili at kahit na sugatan ay gumagapang
itong ginamot din iba pang sugatan. Limang oras nanatili si dessmond sa ganoong sitwasyon.

Hanggang sa dumating ang ibang medic at sya ay isinakay sa stretcher, ngunit hindi doon natapos ang pagtulong
ni dessmond sa kasamahan. Habang sila ay naglalakad ay nakita ni dessmond ang isa pang sugatang kasamahan.
Imbis na isipin ang sarili ay sinabi ni dessmond na ibaba muna sya ng stretcher at unahin ang nakita
nyang sundalo. Habang hinihintay ang medic ay natagpuan si dessmond ng isa pa nilang kasamahan at sya ay
inalalayang makatayo. Hindi pa man nakakalayo ay nakita sila ng sniper na hapon. Si dessmond ay tinatamaan sa braso.
agat namang silang nagtago. Inutusan ni dessmond sa kamang sundalo na talian ang kanyang nabaling
braso kadikit ng baril nito. Kahit duguan ay nag gapang sila dessmond hanggat sa makarating sa kanilang kampo.

Sakay ng barkong uss mercy, Si dessmond ay umalis ng okinawa noong araw ding iyon.


Ang US ARMY ay kilala ang kabayanihan ni Dessmond ay ito ay binigyan ng medal of honor. ang pinakamataas na parangal
na maaring ibigay ng militar. Naisapelikula pa nga ang kabayahihan ni Dessmond sa pelikulang Hacksaw Ridge noong 2016.

Ngunit sa kasawiang palad ay hindi na ito inabot ni Dessmond sapagkat ito ay pumanaw na noong March 23, 2006.

Date Published: Feb 15, 2023