Bakit nga ba masamang itapat ang electric fan o aircon sa mukha habang natutulog?
pamahiin lang ba ito? eh ang tagal ko nang nag eelectric fan wala namang nangyayari saking masama?
well, ayan din ang tanong ko kay kay doctor willie ong.
Baka naman sabihin nyo gumagawa lang ako ng kwento pero sa totoo lang
binerify ko muna ito kay Dr. Willie Ong at ayon sa kanya ang magmadag na pag tapat ng electric fan sa mukha
habang natutulog ay maaring magdulot ng sore throat at Bell's Palsy.
Bells Palsy? anu naman yon?
Well, Ang bell's palsy ay isang karamdaman na maaring ikatakot mo pag nagkaroon ka nito.
Ang kondisyong ito ang ay nagdudulot ng pagkaparalisa ng kalahati ng mukha. May mga kaso din
na pwedeng maparalisa ang buong mukha at ito ay tinatawag ding "bilateral bells palsy".
Para ka ring na stroke.
Ang mga sintomas ng bells palsy ay ang mga sumusunod
- Pagtabingi ng mukha
- Di maipikit ang isang mata
- Di maitaas ang kilay
- Di makangiti ng pantay
- Di maibuka ang kalahati ng butas ng ilong
- Nag iibang panlasa
- Hirap magsalita, lalo na kung babanggitin ang mga salitang may B at P
- Pananakit ng tainga, ulo at panga.
- Pagluluha at panlalabo ng mata
Walang pinipiling edad ang Bell's Palsy bata man o matanda ay maaring magkaroon nito. Kaya hanggat maari po
ay sikapin nyo na lang matulog na di nakatapat sa inyong mukha ang electric fan.
Ayon naman sa mga ekspertong doctor sa middle east, ang sobrang pag gamit din ng aircon ay maaring magdulot
ng sakit na ito. Di natin maikakaila na mainit sa middle east kaya't sagana sa aircon ang mga tao roon.
Napansin nila na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit na ito tuwing summer. na kung saan ay babad ang mga tao
sa aircon.
Bukod sa electric fan at aircon, sinasabing ang Bells palsy ay bunga ng stress, pagpupuyat at impeksyon sa tenga.
Mayroon ding nagsasabi na ito ay idiopathic o kusang tumatama ng walang dahilan.
Walang sinasanto ang sakit na ito kahit nga mga hollywood artist ay nakaroon din, tulad na nga lang ni angelina jolie
na umaming nagkaroon ng bells palsy dulot ng stress sa pakikipag hiwalay kay brad pitt.
Si Pierce Brosnan na gumanap bilang james bond ay nagkaroon ng bells palsy noong sya ay bata pa.
Maging si Sylvester Stallone ay makikita mo parin sa kanyang mukha ang bakas ng sakit na ito.
Si Katie Holmes na ex ni Tom Cruise makikita rin sa isang interview na hanggang sa ngayon ay medyo
tabingi pa rin ang ngiti ng hollywood actress.
Si George Clooney naman ay nagkaroon ng bells palsy noong high school, saad nya
it was the worst time of my life..
At ang pinakahuli nga ay ang sikat na Singer na si Justin Bieber na nagkaroon din nito lamang nakaraang taon.
Maraming pang hollywood celebrities ang nagkaroon nito at hahaba ang listahan kung sasabihin ko lahat.
Sa Pilipinas naman, nagkaroon din ng bells palsy sina ai ai delas alas na sinasabing tinamaan ng bells palsy
noong 2014 at dalawang linggo itong hindi nakapag taping.
Si Angelu De Leon naman, dalawang beses
pa nagkaroon ng sakit na ito. una noong 2009, at ang huli ay noong 2016.
Si Bernadette Sembrano mahigit isang linggo ding napatigil sa trabaho matapos magkaroon nito.
Si Suklay Diva naman ay nagkaroon nito habang nagbubuntis, pati ang model at host na si valerie tan ay tinamaan din
At sa maniwala kayo at sa hindi,
Maging ang ating kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte ay nagkaroon din ng bells palsy.
Saad ng pangulo sya ay nagkaroon ng bells palsy bago pa magsimula ang 2016 presidential election.
Ang madalas na ibinibigay ng doktor na gamot dito ay ang steroid tablet tulad ng prednisone at
minsan ay nagbibigay din sila ng antiviral injection.
Karaniwang gumagaling ang bells palsy sa loob lang ng isang buwan, pero meron ding hindi na nakakarecover.