Oh ano nacurious ka noh? minsan habang namimili ako sa puregold at pag tinitignan ko ang kulay ng kanilang establishimento,
Napansin ko na, bakit nga ba kulay green at dilaw ang kulay nito, eh diba dapat gold kase nga puregold?
Minsan may mga tanong talaga na kahit walang kwenta ay maiisip mong hanapan ng kasagutan.
hindi ko na ako magpapaligoy ligoy pa at sa maiksing videong ito ay sasagutin ko na rin ang tanong na bakit hindi gold ang kulay ng puregold.
disclaimer lang, ang mga informasyong binanggit ko dito ay galing lang din sa internet at bagamat walang direktang sagot ang puregold kung bakit nga ba ganoon ang kulay ng kanilang
mga establishments, eh may mga teorya na kaya daw kulay green at dilaw ang kulay ng puregold, ay ibinase ito sa school na pinag aralan ng dating presidente ng puregold na si Leonardo Dayao.
Si Mr Dayao kasi, ay nagtapos ng kolehiyo sa FEU or far eastern university na kilala sa kulay berde at dilaw.
Isang pang teorya kung bakit kulay green at dilaw ang puregold ay dahil sa mga sumusunod.
Ang berde ay napili ng puregold dahil sinasabing ang kulay daw na ito ay appealing o maaliwalas sa mata. sa web development,
itinuturing din na ang kulay berde ay sumisimbolo ng success o tagumpay. at ang dilaw naman ay sumisimbolo sa sunshine o sinag ng araw, na ang kahulugan ay pag asa.
napatunayan kasi ng puregold na ang kulay na ito ang magdadala sa kanila ng tagumpay.
nagumpisa ang kasaysayan ng puregold noong taong 1998. ang kompanya ay itinatag noong september 8, 1998, sa pangunguna ng chairman nito na si Mr. Lucio Co. at nang asawa nito na si Susan Co.
Bago pa man umpisahan ng mag asawa ang puregold, sila ay may ibat iba nang negosyo, isa na lamang dito ay ang kanilang negosyo patungkol sa pagmimina ng langis.
Ngunit nang magkaroon ng financial crisis noong 1997 sa pilipinas at ilang asian countries, lubos na naapektuhan ang negosyo ng mag asawa. partikular na tiro ang kanilang mga empleyado,
kayat naisip ng mag asawa na magtayo ng panibagong negosyo.
Doon ay naisip nilang pasukin ang retail industry na pinangungunahan ng SM. Dahil namangha sila sa galing SM kung paano mag handle ng ganitong klaseng negosyo,
binuksan ng mag asawa ang kauna-unahang puregold branch sa pilipinas noong december 12, 1998. ito ay itinayo sa mandaluyong city.
Pinili rin ng mag asawa na gamitin sa puregold ang konsepto na kung tawagin ay "hypermarket" na kung saan ang kanilang paninda ay hindi lamang mga groceries, kundi pati na ang mga damit, applicances, at marami pang iba.
kaya wag na kayo magtaka kung bakit karamihan sa branch ng puregold ay iisang floor lamang.
Nakita ng mag asawa ang unti unting pagtaas ng sales ng puregold kayat noong 2001, ay nagdagdag pa sila ng dalawang branch sa Manila at Paranaque.
Mula noon bawat taon ay nagdadagdag ang puregold ng hindi bababa sa tatlong tindahan kada taon. ang lokasyon nito ay hindi lamang sa luzon kundi pati narin parteng norte ng pilipinas.
Naging aktibo din ang puregold sa madalas na pag ssponsor ng mga papremyo sa telebisyon. at noong ngang 2012, para mapalawig pa ang kanilang negosyo, ang
mag asawang lucio at susan at nag decide at bilhin na rin ang S&R Stores. pag aari ng mag asawa ang 100% pursyento ng S&R.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag ang puregold sa buong pilipinas. at as of August 2020, ang puregold ay mayroon nang mahigit sa 430 stores nationwide.