Bago pa man matawag na 7/11 ang ang sikat na convenience store ay nagmula lang din muna ito sa maliit na negosyo.
Taong 1927, Ang isang empleyado ng pagawaan ng yelo na si Joe Thompson na taga dallas, texas ay sumasideline sa pagtitinda ng itlog, gatas
at tinapay sa isang maliit na pwesto ng kanilang kompanya. Dahil ang mga tao doon ay busy at madalas magmadali, nagustuhan nila
ang serbisyo na binibigay ni Thompson sa pamamagitan ng pagtitinda ng kanyang mga produkto. Napaka convenient kase nito.
Pinag aralan ni thompson ng mabuti ang kanyang munting negosyo.
Dahil na rin sa kasipagan ay umasenyo ang lalake at kalaunan ay nabili nya mismo ang pinagta trabahuhang kompanya na pagawaan ng yelo.
Simula noon ay unti unting nagtayo si Thompson ng mga convenience store sa texas.
Saan nga ba nakuha ang pangalang 7/11???
Bago pang maging 7/11 ay nakilala muna sa pangalang "totem store" ang mga tindahan ni Thompson.
Ito ay hango sa estatwang "totem" na binili bilang sovenir ng isa sa mga executive ng kompanya ng lalake.
Ang estatwang ito ay tila naging lucky charm ng ilagay ito ng executive sa pinakabusy nila branch sa texas.
Dahil nga dito ay inadopt na ng kompanya ang pangalang "totem" at sya ngang ginamit nila sa kanilang mga covenience stores..
teka teka.. kala ko ba 7/11 bakit "totem stores"?
Noong 1946 kase ay binago ng kompanya ang business hours ng kanilang mga tindahan mula 7am hanggang 11pm.
Well kung ganon, eh bakit ngayon ang 7/11 ay 24 hours na?? edi sana 24/7 na lang ginawa nilang name?? May paliwanag tayu jan
Noong 1963, napansin ng kompanya ni thompson ang pagdami ng mga estudyante sa texas na inaabot ng umaga dahil sa kanilang footbal practice.
Noong mga panahong iyon ay wala pang tindahan na bukas ng 24 hours. Tinake advantage nila ito at hindi nila inakalang papatok ang ganoong business hours. kaya't simula noon ay naging 24/7 nang bukas ang 7/11.
Eh bakit kaya napakamahal ng tinda sa 7/11???
- Ilang laman siguro sa dahilan kung bakit mahal ang mga bilihin sa 7/11 ay dahil sa operating cost. Ang 7/11 kasi ay hindi lamang pangkaraniwang tindahan, sila ay mayroon ding mga makina na 24/7 nag ooperate..
tulad na lamang ng slurpee machine, ice cream maker, at mga top up machines. Ang mga ito ay kailangan ng maintenance araw araw. Bukod pa dito ang mataas na renta na binabayaran nila, pati na rin ang pasweldo sa mga staff na 24/7 nag ta-trabaho.
so.. ang tanong.. bakit nga ba walang cr sa 7/11??
Technically, merong cr para sa mga staff. sa customer lang wala..
dahil ang 7/11, ay convenience store.. kung saan karamihan sa mga nabili ay on the go at naalis kaagad.
Dagdag pa rito na maaring gamitin ng mga shoplifter ang cr upang doon sila mag tago ng kanilang nanakawin. So ayun ang
mga ilang rason kung bakit walang CR sa 7/11
Sa kasalukuyan, ang headquaters ng 7/11 ay nandoon pa din sa texas. at as of 2019, ay mayroon silang mahigit 60,000 branches sa buong mundo.